eloquent and self assured
an artist's grasp of insecure

I fashion the most unlikely ideas. I sometimes scare the crap out of myself. I am nocturnal. I am conceited. I'm a mess. Writing is my escape, jotting down kept emotions is fun (try it haha). I may elaborate way too much on a simple thought, so feel free to stop me whenever you want. My mom lets me carry a swiss knife whenever I go out. I am a very random person, hello XD I PMS like a betch. I am in love with Katy Perry :3 And no I'm not a lesbian.
Cheers.




MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Layout: vehemency
Icon: reruntherace

Aaang| KittyKat| Tanja| Paola| Chantel| Mariel| Bea| ScreamingPanders| Gian| Thrick| Rakks @_@| Janmar| Kurt|
My Gallery| My Multiply

going. going. gone...UNSPOKEN.
Friday, November 17, 2006, 11/17/2006 11:10:00 PM

Sasabog na ako.
Parang isang lobong patuloy na hinihipan, ngunit lahat ay may katapusan. At ang malala, may mga oras na hindi na kinakaya ng sarili mo ang mga pasakit na pagsubok. Habang tumutugtog ang Teenagers ng My Chemical Romance, tila lunod na sa kabadtripan ang utak ko. Magulo. Malabo. SOBRANG LABO. Parang math problem na hindi ma-derive ang sagot dahil no real root pala yun o di kaya'y imaginary lang ang sagot.--- Mahirap yun, yung naghahanap ng mga solusyon sa mga problemang imposibleng malutasan. Pero ang mas malala... yung naghahanap ka ng mga sagot na nasa harapan mo lang pala, tipong (18648)(8xy)(94)/77 + 1 x 0=? Diba? nagpakahirap ka pa, may multiplied by zero naman pala ang buong equation sa kaduluduluhan. KADULUDULUHAN. Ganyan kalayo ang inabot ko para lang matuklasan na ang hinanap ko pala'y nasa harapan ko nung umpisa pa lamang.


Pumapatak.
Kasabay ng masaklap na bagyo ang pag sayang ng mga luhang iginugugol ko para lang sa isang tao, na siya ring nagbigay ng kaliwanagan sa aking buhay. Masaklap. Masaklap isipin na ang pinakamamahal mo pa ang makakasakit sayo ng sobra. Masaklap nga. Hindi siya commensalism, mutualism o predation. at lalong hindi ito parasitism. Eh ano nga ba itong hindi maipaliwanag na pasakit + kaligayahan na nararamdaman natin=? LOVE. Ang corny kung titingnan, "love, love! eh ano naman?!" pero unti-unti itong sumasailalim sa iyo. Nauunang maakit ang kululuwa hanggang nakain ka na nito ng buo. OO, BACTERIA ITO. Mabilis kumalat at mahirap iwasan dahil sino ba namang hindi makakapagpigil sa kanyang sarili na magkasakit? Ika nga-- walang pinipili ang germs. AT ETO NA NGA, mukhang may lagnat nako.



Nahihirapan.
Hindi lack of Iron, Iodine at Calcium ang nadarama ko. Lack of happiness? Faith? Trust sa sarili? KULANG AKO SA PANSIN. Pero nasabi pa niyang manhid ako. Oo, manhid talaga ako, barilin mo ko at ako'y mamamatay, barilin mo ang puso ko at ako'y malulumbay...nang patago. Magaling! 100 for honesty! MANHID. manhid nga.
Manhid nga na habang hinihintay kita nasasaktan ako. Manhid nga na umiiyak ako habang natutulog ka. Manhid nga na mahal pa kita.

one month and we're on to the next round. level up? haha. thanks for everything, there are a lot more things or shall i say PROBLEMS ahead of us... don't let me go now, okay? :)
it's still hard to wear this smile after what had happen, but you must know.. i'm happy now that you're here with me.