eloquent and self assured
an artist's grasp of insecure
|
|
![]() I fashion the most unlikely ideas. I sometimes scare the crap out of myself. I am nocturnal. I am conceited. I'm a mess. Writing is my escape, jotting down kept
emotions is fun (try it haha). I may elaborate way too much on a simple thought, so feel free to stop me whenever you want. My mom lets me
carry a swiss knife whenever I go out. I am a very random person, hello XD I PMS like a betch. I am in love with Katy Perry :3 And no I'm not a
lesbian. |
|
Layout: vehemency |
|
All wrapped in one with a ribbon on it.
Wednesday, January 28, 2009, 1/28/2009 02:17:00 PM
Ugh tangenaaa. Pressure pressure pressure. Pano ka ba gagawa ng matinong art piece kung di ka inspired?! Sawa na ako sa dark perspectives. And to top it all off, kulang ako ng materials AT! na-delete pa ang portfolio ko. Hay anak ng kabayo pag minamalas ka nga naman o. Tulong naman o please Lord T_T Gusto ko lang talaga ng maganda at keri nang portfolio. Yung tipong sasabihin ng mga prof na "You still need improvement but we think you'll survive in Fine Arts."Hindi ako humingi ng magagarang gamit. Di naman po ako nagreklamo nung bumagsak kami from being a super wealthy family to a middle class family. Alam ko pong di na ako nagsisimba, para po kasi sakin ang paplastik ng mga tao sa Simbahan. Lalo na dito sa village. Mas gusto ko po Kayong makasama in an intimate way, and that's through praying. And I know I only pray hard when I need something really bad, pero please future ko po nakasalalay dito. Wala na kasi akong maisip na babagsakan kung di Advertising (at wala na rin po akong gustong bagsakan kung di yun). My hopes of being a Pediatrician went down the drain the second I realized--I'm a very "maarte" person. Hay ano ba to. Wag niyong isipin na inaaway ko si God ah :)) nagmamakaawa lang ang desperadong buhay ko. Ay nga pala. Natupad narin ang isa sa mga panagarap ko: Nakilala ko na ang totoong Bob Ong. Mali ako. Isang tao lang pala talaga siya, cheverly lang daw niya yung group of people na sumusulat thus forming Bob Ong para daw mag remain syang mystery. BUT I'M SORRY NABULGAR KO NA =)) Alam mo yun, sobrang pinakasalan ko na siya sa isip ko nung una kong nabasa ang Stainless Longganisa. Napicture ko na kung anong mukha niya, height niya, yung boses niya, lahat! Pinagpantasyahan ko talaga sya noon, saktong gago lang kasi eh HAHA. Pero cheesy din, pasimple nga lang. Perfect guy. Hay! x) Pero eto na.. Lahat ng iniisip ko tungkol sa kanya noon naglaho nung nakilala ko siya. Di ganun yung mukha niya pero may pagka similar yung boses. KALBO SYA :)) Epal. (Nothing against bald people ok? XD) Matanda narin sya, 40+ na. Napaisip tuloy ako... Sana nag remain nalang sya as a figment of my imagination. Nangarap nalang sana ako. Sinabi ko yun sa kanya na di siya yung ineexpect kong Bob Ong. Sabi niya, "Ganun talaga. May mga bagay na kala mo sobrang eto naaaa, pero hindi pa pala." Sabi ko, "Pero idol ko parin kayo sa pagsusulat, at pag nakapasa na akong UP kukuha ako ng Malikhaing Pagsusulat para maging prof kita. Kaso parang malabo dahil FA pinasukan ko. Bahala na si Batman." Sabi niya.. "Lelong pala to eh. Basta advice ko lang, sundin mo ang gusto mo. Yun lang ang importante. At ang pinaka great na advice, don't beat up the red light." Parang ako.. "Haaaa? =))" Jusko, sumakit talaga tiyan ko. May bago nga pala syang libro, pero di as Bob Ong. Title na lang sasabihin ko kasi masyado na pag pangalan (although na bulgar ko na kung anong itsura niya, at nagtuturo sya sa UP hahaha). Eto: Isang Napakalaking KaASTIGan. kbye :D |